Paghihigpit ng seguridad sa mga seaport sa Central Visayas, ipatutupad
Magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang mga seaport sa Central Visayas sa gitna ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay Cebu Governor Hilario Davide III , siniseryoso niya ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring lumipat ang mga terorista mula sa Mindanao patungong Visayas kaya’t dapat lamang na mabantayan ang seguridad sa kanilang lalawigan..
Dagdag ni Davide na ang mga pamilya na mula sa Marawi City ay nagsisidatingan na sa Visayas dahil naroon ang kanilang mga kamag-anak.
Pahiwatig ni Pangulong Duterte na kung dadating sa Visayas ang mga terorista na mula Mindanao, mapipilitan ang Pangulo na suspendihin ang writ of habeas corpus.
Samantala, patuloy pa rin ang opensiba ng militar para mapalaya ang siyudad ng Marawi at mabigyan ng kapayapaan ang naturang lugar sa Mindanao.
ulat ni Carl Marx Bernardo