Paghilik at Sleep Apnea may Kinalaman sa Oral Health
Marami na ngayon ang humihilik, kahit mga bata, mas maraming bata ang humihilik ngayon kaysa dati.
Alam n’yo ba na ang pinakamalakas na hilik ay umaabot ng 80-90 decibels? Ibig sabihin, kasing lakas ng tunog ng vacuum cleaner, kaya istorbo talaga.
Ang bibig natin ay directly connected sa lalamunan, kung saan naroon ang food at wind pipes. Kaya nga minsan ang nangyayari habang natutulog ay bigla na lamang magigising at nasasamid, kasi mali ang pasok ng saliva o laway, napunta sa daanan ng hangin. Kaya nga kunektado ang paghilik sa kalusugan ng bibig o oral health.
Magkaiba ang snoring at sleep apnea. Ang numerong dahilan ng paghilik ay dahil sa dila. Ang ginagawa ng dila habang tulog tayo ay inoobstruct nito ang lalamunan. Nakaharang ito sa lalamunan.
Samantala, ang sleep apnea naman ay pwedeng magresulta sa stroke, biglang atake sa puso, pagtaas ng blood pressure. Ang sleep apnea ay hindi karaniwang hilik. Kapag humihinga, tumitigil ng mga sampung segundo, pinipigil ng dila ang pagpasok ng hangin papunta sa puso at utak
Samantala, on knowledge kapag humihilik ang isang tao at pwedeng tumataba, hindi ba? Ang mga bata kaya humihilik ay maaaring dahil sa pudpod na ang ngipin, namamaga ang tonsil.
Sa mga teenager o sa adult naman ay may kinalaman sa lifestyle. ‘Yung mga naninigarilyo o umiinom ng alak. Pero ang dahilan din ay dahil sa lumiit na ngalangala at panga.
Hindi na tama ang pundasyon, kulang sa lapad, kulang sa tangkad, underdeveloped at karaniwan ay may problema sa nutrisyon kahit noong ipinagbubuntis pa ni nanay.
Sa hitsura pa lang makikita mo na sa tao kung naghihilik. Kasi normally, ang mga malalakas na humilik ay long faced o mahaba ang mukha at walang baba.
Sa sleep apnea dahil medyo delikado ito dahil humihinto ng ilang segundo ang paghinga, kailangan na magpakonsulta sa isang espesyalista at dentista.
Ang damage ng sleep apnea ay mas sa kalusugan hindi lang sa ngipin. Apektado ang kalusugan ng utak, puso, baga. Kaya nga huwag balewalain.
Pero sa mga naghihilik, palibhasa ay nakanganga, dry mouth at walang saliva, mas madaling kapitan ng bacteria at virus. Kaya candidate sa infection sa lungs like pneumonia.