Paghina ng piso kontra dolyar asahan sa 2018
Asahan pa ang lalong paghina ng piso kontra dolyar sa susunod na taon.
Ayon kay BPI Securities Analyst Riche Lim, nasa 51 pesos at 50 centavos (P51.50) na ang palitan ng piso kada dolyar bago matapos ang taon.
Habang posible namang umabot sa 52 hanggang 53 pesos ang palitan sa susunod na taon.
Dahil dito, matataon ang mahinang piso sa pinalawak na infrastructure projects ng pamahalaan kung saan inaasahan ang maramihang pag-iimport ng materyales.
Please follow and like us: