Paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte sa rescue opeations sa mga migrants workers sa Kuwait, umani ng respeto sa Middle East countries

Ipinagtanggol ni Senate President Aquilino Koko Pimentel III ang ginawang paghingi ng paumanhin ng Duterte government sa gobyerno ng Kuwait.

Kaugnay ito ng lumabas na viral video na inililigtas ng embahada ng Pilipinas ang OFWs na inabuso ng kanilang amo.

Nauna ng umalma ang Kuwaiti government sa ginawang aksyon kung saan ipinaaresto pa ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Ipinaliwanag ni Pimentel naunawaan naman nito ang ginawang aksyon ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagliligtas ng ating kababayan na inaabuso ng kanyang amo.

Subalit pinaiiral lamang ng Kuwaiti ang kanilang soberanya tulad ng ginagawa ng mga Filipino.

Giit pa ni pimentel ang ginawang paghingi ng paumanhin ng gobyerno sa pamamagitan ni DFA Secretary Alan Cayetano ay umani ng respeto mula sa gobyerno ng Kuwaiti at iba pang bansa sa Middle East dahil sa pagiging mapagkumbaba ng Filipino.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *