Pagho-host muli ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, hindi isinasantabi ng DOT

download
courtesy of wikipedia.org

Bagamat aminadong hindi pa handa, hindi naman isinasantabi ng Department of Tourism o DOT ang posibilidad ng muling pagho-host ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Ayon kay Tourism Undersecretary Kat De Castro, mas magiging handa ang bansa kung gagawin ang perstihiyosong kompetisyon sa susunod na taon.

Aniya, base sa orihinal na petsa, planong gawin ang beauty pageant sa buwan ng Nobyembre kung saan abala rin ang bansa sa idaraos na Association of Southeast Asian nations o ASEAN meeting.

June 11 nang nakipagkita ang Miss Universe officials o MUO sa DOT officials upang pag-usapan ang re-staging ng Miss Universe sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni MUO President Paula Shugart na itinuturing niyang “Best Show” ang ginawang hosting ng Pilipinas sa Miss Universe noong Enero 30 sa Mall of Asia arena.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *