Paghuli sa mga tambay, idinepensa ng NCRPO
Paglabag sa mga umiiral na city ordinance ang dahilan kung bakit hinuhuli ang mga tambay sa kalye….
Paliwanag ni National Capital Regional Police office o NCRPO Chief General Guillermo Eleazar, ilan dito ay ang:
- paglabag sa disciplinary hours para sa mga menor de edad;
- drinking along public or sidewalk o pag-iinuman sa mga kalye o mga iskinita;
- pagala-gala sa kalye nang walang pang-itaas na saplot
- at ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Nakasaad din aniya sa ordinansa ang pagbabawal sa pagtungo ng mga kabataan sa mga computer shops sa dis-oras ng gabi, pagtatayo ng mga videoke sa labas ng mga establisimyento na nakakaistorbo sa mga residente at ang pag-ihi sa mga pampublikong lugar.
Binigyang-diin ng NCRPO chief na dati na itong ipinatutupad pero mas pinaigting lamang alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan din si Eleazar sa mga Barangay officials na tulungan silang ipatupad ang mga ordinansa dahil sa mga ganitong karaniwang paglabag nagsisimula ang mga heinous crimes.
“Kung nakita natin ang mga nagtatambayan na posibleng gumawa ng masama eh di arestuhin natin alinsunod sa corresponding ordinance pero kung wala namang ginagawang masama eh di pagsabihan natin. Hihintayin pa ba nating mag-akyat bahay ang mga yan lalu na’t di naman natin kakilala ang mga yan”.
[list icon=”undefined” ]list item per line.[/list]
Kasabay nito, tiniyak ni Eleazar na walang malalabag na karapatang pantao sa paghuli sa mga tambay dahil alam naman aniya ng mga pulis ang batas.
“Meron tayong batas na sinusunod at yun ay ginagawa naman namin pero dahil we armed with these laws, ay yan ang gagamitin namin lalu na sa mga nais sumira sa ating katahimikan. May karapatan ang bawat isa pero yung karapatan ng mas nakararami dapat isipin din natin. Tulungan po ang kailangan at pasensyahan tayo sa mga taong matitigas ang ulo”.