Pagiging nuisance candidate gustong gawing kasong kriminal ng COMELEC
Nais rin ng Comelec na gawing isang election offense ang pagiging nuisance o pang-gulong kandidato.
Para sa ginanap na May 9 , 2022 elections, 75% ng mga kumandidato sa pagka presidente ay idineklarang nuisance candidate ng Comelec.
Para sa nuisance candidate…mabigat ang parusa na gusto ng poll body.
Kamakailan lang, isang kumandidato sa pagka-gobernador sa Negros Oriental ang idineklarang nuisance candidate ng Comelec,matapos mapatunayang sinadya nitong lituhin ang mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng alyas na kapangalan ng isa pang kandidato.
Nagresulta ito sa pagdedesisyon ng Comelec na ipawalang bisa ang proklamasyon kay Henry Pryde Teves bilang nanalong gobernador ng lalawigan at matapos ulitin ang bilangan at ibigay ang botong natanggap ng nuisance candidate sa lehitimong kandidato iprinoklama si Roel Degamo bilang nanalo.
Madelyn Villar-Moratillo