Pagiging ganid ng mga Kongresista, ikinadismaya ni Pangulong Duterte dahil naipit ang 2019 National budget
Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagaganap ngayon tungkol sa isyu ng budget delay .
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi lamang ang pagkakabalam ng proposed 2019 national budget ang hindi nagugustuhan ng Pangulo kundi pati na ang mga bumabangong akusasyon sa gitna ng pagkakaantala ng pondo para sa susunod na taon.
Ayon kay Panelo, kasakiman sa salapi kung tutuusin ang puno’t dulo ng problema sa isyu ng pondo ng bayan lalo’t kailangan ng pera ngayong panahon na naman ng eleksiyon.
Naniniwala si Panelo maaaring pera ang rason kung bakit napakaraming naglulutangang reklamo sa kasalukuyan tungkol sa pondo na aniya’y kailangang kailangan para sa nalalapit na halalan.
Inihayag ni Panelo karaniwang laro sa kongreso at sa mundo ng pulitika dangan lang at nasasakripisyo ang pondong dapat sana’y magamit para sa taong bayan.
Ulat ni Vic Somintac