Pagiging makabayan buhay sa mga Pilipino– PBBM
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagagawang pagtagumpayan ng mga Pinoy ang mga hamong kinakaharap ng bansa.
Sa kanyang pagdalo sa ika-503 anibersaryo ng Battle of Mactan sa Lapu-lapu City, sinabi ni PBBM na nananatiling buhay ang diwang makabayan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagiging makabayan ay napoprotektahan din aniya ang karapatan at soberanya ng bansa.
Iginiit din ng pangulo ang pangangailangan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng lakas ng loob upang labanan ang mga panggigipit.
Pero binigyang -diin ni PBBM na hindi dahas o armas ang solusyon, kundi ng katapangan, ng ating pagkilos, at higit sa lahat ay pagkakaisa.
Aminado naman ang pangulo na hindi madaling labanan ang mga problema gaya ng kahirapan at kagutuman, subalit nananatili aniyang committed ang kaniyang administrasyon sa pagsusulong ng mga hakbang upang masolusyonan ang mga ito.
Ilan aniya sa hakbang ng gobyerno ay ang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan at ang paghikayat sa mga kumpanya na mamuhunan sa bansa para makalikha ng mas maraming trabaho.
Madelyn Moratillo