Pagiging malapit ni Pangulong Duterte sa lider ng China dapat umanong gamitin para matigil na ang militarisasyon sa West Phil. Sea

Hinimok ni Senador Ralph Recto si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pagiging malapit nito kay Chinese President Xi Jinping para mapigilan ang militarisasyon sa West Philippine Sea.

Sa harap ito ng report ng US Intelligence na nagkaroon na ng installation ng anti-ship cruise missiles at surface-to-air missile systems sa Kagitingan, Zamora, at Panganiban reefs, tatlo sa pitong isla sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Recto na makabubuti kung gagamitin ni Duterte ang kaniyang political capital at magsisilbing peacemaker sa China para kumbinsihin na itigil na ang paggawa ng anumang tensyon sa pamamagitan ng pagtatambak at pagkubkob sa mga isla.

Naniniwala si Recto na anumang girian sa isla ay magdudulot ng masamang epekto sa Pilipinas.

Kumbinsido ang Senador na huhupa rin ang tensyon sa West Philippine sea gaya ng paghupa ng tensyon sa pagitan ng North at South korea.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *