Pagiging overweight at obese ng mga pulis, maaaring malunasan – ayon sa FNRI

Malaking  tulong ng menu guide na inilunsad ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa mga pulis  upang maiwasan ang pagiging obese at overweight.

Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Assistant Scientist ng FNRI, minarapat nilang gumawa ng menu guide upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis.

Dr. Imelda Agdeppa, Asst. Scientist, FNRI:

“Sinasabi natin itong problema na obesity at overweight kasi sabi nga nila 61% na sa ating mga pulis ay overweight, so sabi namin dapat talaga ay bigyan natin ng pansin ito para alam mo naman ang problema kung ang isang tao ay overweight magkakaroon tayo ng ibat’ibang klase ng communicalbe diseases so mga hypertension, mga arthritis so hindi na sila makatakbo pag  ganun”

Binigyang-diin pa ni Agdeppa na ang menu guide ay para maka likha ng kamalayan  na may  mga pagkain na dapat kainin sa tamang kalidad  at   kailangan ay  may variety.

Dapat anya na maging reference ng  military men ang naturang menu guide upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan alang alang sa kanilang pamilya at para na rin sa bayan.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *