Pagiging popular ni Pangulong Duterte, hindi magiging sukatan para manalo ang mga kandidato ng Administrasyon sa eleksyon – Malakanyang
Hindi gagawing sukatan ng Malakanyang ang endorsement power o pagiging popular ni Pangulong Rodrigo Duterte para sabihing mananalo ang mga kandidato ng administrasyon sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naniniwala sa kanyang endorsement power.
Kung mayroon man aniyang personal choice ang Pangulo na gusto niyang manalo sa halalan, ito ay personal na pananaw lamang ng Chief Executive.
Inihayag ni Panelo na ang mga botante pa rin ang mamimili kung sino ang sa palagay nila ay karapat-dapat na maupo sa puwesto.
“I think—iba kasi ang pananaw ko diyan eh, and even I don’t think the President believes in his magical so called power to endorse. What he’s giving the people is ‘this are the people that I personally feel are capable of being in the Senate.’ That is why precisely nginangalanan eh, marami siyang pinipili eh. Siguro para… as in possible he has a deep bench, ‘di mamili kayo – Secretary Salvador Panelo
Niliwanag naman ni Panelo na kahit ang oposisyon ang manalo ay umaasa ang Malakanyang na makatutulong ang mga ito sa pmamamalakad ng gobyerno sa ilalim ng demokratikong paraan ng pamamalakad para sa kapakanan ng publiko at ng buong bansa.
Ulat ni Vic Somintac