Pagiisyu ng OEC at Deployment para sa mga Pinoy workers patungong Kuwait, sinuspinde ng DOLE

 

Tuluyan nang sinuspinde ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.

Bukod sa pagpapadala ng mga pinoy workers, sinuspinde rin ng DOLE ang pagpo-proseso ng mg Oversease Employment certificates o OEC para sa mga manggagawang Pinoy.

Ito ang nakasaad sa ipinalabas na Administrative Order No. 25 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ito ay bunsod ng pagkamatay ng pitong mga manggagawang Pinoy at kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pananakit sa mga nasabing Pinoy workers.

Sinabi pa ni Bello na inatasan na niya ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA na huwag munang magbigay ng mga OEC sa mga bagong aplikante na magta-trabaho sa Kuwait.

Nilinaw naman ni Bello na hindi sakop ng deployment suspension ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait.

Maibabalik lamang ang pagbibigay ng OEC kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon sa mga kasong pananakit sa mga OFW sa nasabing bansa.

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *