Pagkagalit dapat agad na kinokontrol upang hindi maranasan ang masamang dulot nito sa kalusugan

 

 

Hindi mainam sa kalusugan ang palagi na lang galit at may poot sa dibdib.

Ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto, ang pagkagalit ay may masamang idudulot sa kalusugan.

Kabilang dito ang pagtaas ng blood pressure, maaari umanong umabot sa blood pressure  sa 180/100 at ito ay lubhang mapanganib.

Bukod dito, maaaring maranasan ang stroke,  pagdurugo ng mga mata, sakit sa puso,  at maging atake sa puso.

Sabi ng mga eksperto,  kung nararamdaman ang galit…gawin ang pause o huminto muna….huminga ng malalim at mag-exhale.

Samantala, payo din ng mga eksperto, upang maalis ang biglang pagkagalit, mainam na nagsasagawa ng ehersisyo, dahil nababawasan ang tension na nararamdaman.

Kailangan din daw na may sapat na pahinga …kapag overload sa work….mas madali umanong magalit at mainis.

Gawing abala  ang sarili sa magandang gawain…kung nararamdaman na nag iinit ang ulo…humanap ng mababasa o kaya ay tumingin sa mga luntiang kapaligiran.

Tandaan, kapag galit, hindi magiging maganda ang anumang sasabihin….manahimik muna…mag isip …saka magsalita.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *