Pagkahilo may Kinalaman din sa Oral Health
Kapag ang isang tao laging nahihilo, minsan nawawalan pa ng malay o hinihimatay, tingnan ang ngipin at baka sablay! Bakit ngipin?
Magbigay ako ng halimbawa, hindi ba ang isang boksingero kapag gusto mong maknock-out, kailangan ay tamaan ang panga. Kapag tinamaan ang panga, tulog!
Alam n’yo ba na kapag nahihilo, pwedeng gawin ay galawin ang dila? Kapag nagkaron ng problema sa daanan ng hangin, malamang mahihiluhin.
Kapag gustong magpa-brace e, hindi basta ibe-brace agad. Kailangan munang malaman kung may structural problem. Baka kasi, hindi tugma ang ngalangala at panga, kaya nahihilo.
Kung nahihilo, tingnan ang ngalangala baka sobrang maliit, iyung panga sobrang maliit at kailangang ibuka. Hindi braces ang sagot.
May appliance na gagamitin o ilalagay na may screw na makatutulong para lumaki ang ngalangala at panga, at para ang dila ay maluwag na makagalaw.
Isa sa dahilan kung bakit nahihilo ang isang tao ay dahil naiipit ang daluyan ng hangin, at makatutulong kung magpapatingin sa isang functional dentist. Magagawan ng paraan na magkasya ang dila sa bibig.
May ginagawang diagnostic procedure para malaman kung gaano kalaki o kaliit ang lalamunan. Ang isang bata kapag ngumanga at ang nakikita lamang ay dila, ibig sabihin, kulang ng oxygenation.
Tandaan din na kapag hindi tugma ang ngipin sa gitna sa ibaba at itaas, kapag magkalihis ang mga ito, ang ibig sabihin, pilipit ang lalamunan na dahilan din para mahilo.