Pagkakaroon ng idole id card system, ikinatuwa ng OFWs
Ikinagalak ng Overseas Filipino Workers ang paglulunsad ng idole id card system para sa kanilang hanay.
Ayon kay Acts OFW Partylist Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III, napakalaking tulong sa OFW’s ng idole dahil mapapadali ang proseso sa kanilang mga papeles para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ang nasabing id, ayon kay Bertiz ay gawa ng mga OFW’s na libreng ibinigay sa Department of Labor and Employment ang sistema upang matulungan ang mga kapwa nila manggagawang Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo.
Isang uri ito ng one stop shop kung saan mapapadali rin ang pagkuha ng mga benepisyo ng OFWs sa Overseas Workers Welfare Administration, Social Security System, PAGIBIG at PhilHealth.