Pagkakaroon ng Joint military training sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia kasama sa pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Prime Minister Mohammad

Palalakasin ng Pilipinas at Malaysia ang security sa karagatan laban sa mga pirata at terorista na nasa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang isyu sa terorismo ang pangunahing agenda ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahatir Mohammad sa Kuala Lumpur.

Ayon kay Roque ang umiiral na joint boarder patrol sa pagitan ng Philippine Navy at Malaysian navy ay palalakasin pa.

Inihayag ni Roque mula sa joint border patrol ay gagawin na itong joint military training sa pagitan ng Philippine military at Malaysian military.

Niliwanag ni Roque na layunin ng pagtatag ng joint military training sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia para labanan ang lumalaganap na operasyon ng international terror group na ISIS sa Southeast Asia.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *