Pagkakaroon ng National ID, mas makagiginhawa sa publiko – Prof. Casiple
Ginhawa ang hatid sa publiko ng pagkakaroon ng National Identification system sa bansa.
Sa panayam ng programang Balita alas-siyete kay Political Analyst Professor Ramon Casiple sa pagkakaroon ng National ID sa bansa.
Ayon kay Casiple, hindi na kailangang magdala pa ng maraming ID ang mamamayan kung makikipag-transaksyon sa pamahalaan at maging sa mga bangko dahil nakasaad na doon ang iyong pagkakakilanlan.
Hindi rin aniya ito pwedeng pekehin ito dahil agad na mabeberepika ito ng Philippine Statistics Authority o PSA na siyang ahensyang magko-kontrol nito.
Pero ayon kay Casiple, mga basic personal data lamang ang lalamanin ng national id at hindi kasama ang iba pang mga private identities ng isang mamamayan gaya ng mga bank accounts.
Nilinaw din ni Casiple na walang bayad ang National ID dahil may inilaang pondo dito ang pamahalaan.
“Yan naman ay magandang konsepto para hindi ka na magdadala ng maraming ID kung pupunta ka sa SSS, Comelec kahit sa bangko. Actually kahit sa mga private offices dahil that can be considered as Government ID eh. Ang basic na datos ay to identify you as that person”- Prof. Casiple
Nauna nang tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na ngayong taong ito maipapatupad ang National ID system na naaprubahan na sa isinagawang Bicameral conference meeting.
Matapos makapasa sa Bicameral conference committee, inaasahang mararatipikahan agad sa mababang kapulungan ang panukala para sa national id system.
===============