Pagkakaroon ng shares sa ilang kumpanya ng mga opisyal sa pamahalaan, hindi iligal kung hindi aktibo sa operasyon ng negosyO- DOJ Secretary Menardo Guevarra

Walang nakikitang iligal si Justice Secretary Menardo Guevarra kung ang isang opisyal sa pamahalaan  ay mayroong share sa isang kumpanya.

Ang pahayag ni Guevarra ay sa gitna ng isyu ng kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida sa ilang ahensya ng gobyerno, kabilang na ang DOJ.

Pero nilinaw ni Guevarra na dapat ay hindi aktibo ang opisyal o public servant sa pangangasiwa ng kumpanya

Ayon kay Guevarra, ang ipinagbabawal sa ilalim ng batas ay kung ang opisyal ng gobyerno ang mismong nagpapatakbo sa kumpanya.

Sinabi pa ng kalihim na maraming mga opisyal ng gobyerno na may investment sa isang malaking kumpanya.

Wala anyang iligal kung ilagay ng mga opisyal  ang kanilang savings sa porma ng investment.

Una na ring idinipensa mismo ni Pangulong Duterte si Calida at sinabing hindi niya  ito sisibakin dahil wala siyang nakikitang iligal kung ang opisyal ng gobyerno ay mayroong negosyo lalu na kung sila ay nagdivest na sa kumpanya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *