Pagkakaroon ng tuition fee hike sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo, hindi pa aprubado ng CHED
Premature pa ang balitang magkakaroon ng tuition fee hike sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera, bagamat sa ilalim ng batas ay pwedeng mag-apply ng tuition fee increase ang mga universities and colleges, ay wala pang aksyon ukol dito at hindi pa nakararating sa kaniyang tanggapan ang mga aplikasyon na manggagaling sa mga regional offices.
Paliwanag ni De Vera, ang regional CHED offices ang nag-e-evaluate kung sang-ayon sa proseso ng batas ang kanilang aplikasyon.
Kailangan muna aniyang magsagawa ng konsultasyon ang paaralan sa mga magulang at mga estudyante kung kailangan ba talagang magtaas ng matrikula.
“Yung kanilang application ng tuition fee increase dapat hindi masyadong malaki at sinsiguro na yung kanilang mga dating mga tuition fee increase ay napupunta sa mga suweldo ng mga school faculty. Nakasaad kasi sa batas na 70 percent ng tuition fee increase ay dapat napupunta sa mga faculty at empleyado” – CHED Chairman Prospero de Vera
===============