Pagkakasabat sa mahigit 500 kilo ng shabu sa Mexico, Pampanga, resulta umano ng bagong approach ng Marcos gov’t sa war on drugs – Remulla
Pinaghahandaan na ng Department of Justice (DOJ) ang ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights na gugunitain sa Disyembre 10 ngayong taon.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, nagsasagawa na ang DOJ ng evaluation sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Inamin ni Remulla na hirap sila na humarap at sagutin ang mga tanong ng United Nations (UN) sa Geneva, Switzerland ukol sa giyera kontra droga ng gobyerno.
Nataon naman aniya sa ginagawa nilang rebyu sa drug war ang pagkakasabat sa mahigit 500 kilo ng shabu sa Mexico, Pampanga noong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ng kalihim na ang ilang buwan na operasyon na isinagawa ng NBI at iba pang law enforcement agencies ay ang bagong approach ng Gobyernong Marcos sa laban kontra droga.
Mas nais aniya nila na magkaroon ng search warrant operations at maayos na surveillance work kaysa drug buy-bust para mas tiyak na mas magiging malakas ang kaso at ang mapupuntirya ay ang sources ng iligal na droga.
Kung malakas ang kaso aniya ay mas sigurado na makakuha ng conviction ang mga otoridad at mas masasawata ang iligal na droga sa bansa.
“We are not making a judgment on anybody here but one of the things discussed yesterday we would prefer search warrants to buy bust operations because this is where convictions are really done and honest to goodness surveillance is conducted so cases are build up properly… that is also the only way that we can deter the commission of crime in the country kung alam nila na sila ay mako-convict kapag dinemanda sila ng DOJ marami diyan magdadalawang isip bago magcommit ng crime” pahayag ni DOJ Secretary Crispin Remulla
Moira Encina