Pagkakasama ng Maute ISIS sa US foreign terrorist group organization list ikunatuwa ng Malacañang
Itinuturing ng Malacañang na positibong development at nararapat lamang ang opisyal na pagkakasama ng Maute Group sa US foreign terrorist organizations list.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque malaking bagay ito sa kampanya ng gobyerno laban sa terorismo.
Ayon kay Secretary Roque, pinagtitibay nito ang matagal ng paniwala ng gobyerno na ang Maute Group ay binubuo ng mga local terrorist na sinusuportahan ng foreign extremists partikular ng ISIS.
Inihayag ni Roque na ang hakbang na ito ng US ay pagkilala sa naging aksyon ng Pilipinas para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista at mapigilan ang pagtatag nila ng Islamic caliphate sa lugar gayundin makontrol ang pagkalat ng rebelyon sa ibang bahagi ng bansa.
Naniniwala si Roque na tama lang na pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng martial law sa buong Mindanao.
Ulat ni Vic Somintac