Pagkakatalaga kay dating Budget secretary Benjamin Diokno bilang BSP Governor, welcome development – Financial Analyst
Welcome development ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Budget secretary Benjamin Diokno bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas Governor.
Sa panayam ng Radyo Agila kay Financial Analyst Astro Del Castillo, bagamat marami ang competent para sa nasabing posisyon, subok na ng Pangulo si Diokno dahil sa pagiging miyembro nito ng Gabinete at pagiging isang ekonomista nito.
Dapat ring ihiwalay ang usapin ng pagiging kontrobersyal ni Diokno sa isyu ng budget sa pagiging BSP Governor nito.
Dapat pagtuunan na lamang ng pansin sa ngayon ang pagsasa-ayos ng monetary at banking system ng bansa.
“In terms of competent, talaga namang competent si Sec. Diokno bilang ekonomista, bilang matagal na ring nakaupo sa mga matataas na posisyon sa gobyerno. Sana hindi siya sundan ng mga akusasyon o ingay pag-upo niya sa BSP dahil pag sinundan pa siya ay hindi makagaganda sa institusyon. As long as the BSP is free from intrigues, dapat naka-focus lang ang BSP Governor sa pagsasa-ayos ng monetary at financial system”.- Financial Analyst Astro del Castillo.
===================