Pagkakatalaga sa DFA, “hindi niya na inaasahan” – Cayetano
Hindi rin inasahan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang ginawang pagtatalaga sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang DFA Secretary.
Ayon kay Cayetano, panatag na siya sa Senado dahil sa sinabi ng Pangulo na mas kailangan siya sa naturang kapulungan ng kongreso kaysa sa gabinete.
Labis naman ang pasasalamat ng mambabatas para sa tiwala sa kanya ng Pangulo.
Kanya-kanya namang pagpapa-abot ng pagbati mula sa mga kasamahan niya sa Senado ang natanggap ni Cayetano.
Tinawag namang “good choice” nina Sen. Tito Sotto at Ralph Recto ang pagkakatalaga sa kanilang kasamahan sa gabinete ng Duterte administration.
Ulat ni: Mean Corvera