Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, kasalanan mismo ng ICC-Malakanyang
Kasalanan mismo ng International Criminal Court of Justice o ICC ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na lumikha sa binabanggit na International court.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ikinakagalit ni Pangulong Duterte ang pagiging bias at premature na Public announcement ni ICC Special Prosecutor Fatou Bensouda na pinalulutang na lilitisin na ng ICC ang Pangulo dahil sa mga paratang ng paglabag umano sa karapatang pantao at extra judicial killings sa bansa.
Ayon kay Roque malinaw ang probisyon ng Rome Statue na maaari lamang manghimasok ang ICC sa member country kung hindi na gumagana ang criminal and judicial process sa bansa tulad ng nangyayari sa Somalia at Sudan.
Inihayag ni Roque ngayong kumalas na ang Pilipinas tanging ang Cambodia at Timor Leste na lamang ang miyembro ng ICC sa Southeast Asia.
Ulat ni Vic Somintac