Pagkalat ng “ fake news” sa Resorts World attack, isasama sa imbestigasyon ng NBI ayon sa DOJ
Isasama rin ng Department of Justice sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang ‘fake news’ ukol sa pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes, na ipinapakalat ng netizens.
Sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na pag-aaralan ng NBI na isama ang aniya’y pagkalat ng maling balita na ipinagbabawal sailalim ng Presidential Decree No. 90.
Ang naturang batas ay ipinatupad simula pa noong panahon ng Martial Law noong 1973.
Matatandaang noong Biyernes, kumalat sa social media ang mga alegasyong pakana ng teroristang grupong ISIS ang naturang pag-atake.
Please follow and like us: