Pagkalat ng hindi berepikadong dokumento sa social media pinaiimbestigahan ng PNP-NCRPO
Pina-iimbestigahan na ng National Capital Region Police Office ang isang dokumento na kumalat sa social media kung saan nakasaad ang umano’y planong pambobomba ng Maute group sa Metro Manila.
Ang nasabing dokumento ay galing sa Valenzuela Police Station na may petsang June 16, 2017 at nakasaad ang tangkang pag-atake ng teroristang grupo sa ilang mall sa Quezon City, Quiapo at Makati.
Ayon kay NCRPO Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya si Northern Police District Director Bon Fajardo na imbestigahan ang document handling process ng Valenzuela Police matapos kumalat ang memorandum na hindi pa verified.