Pagkalat ng pekeng tseke ng SSS, pinaiimbestigahan na
Inaalam na ng Social Security System (SSS) ang pinanggalingan ng kumakalat na pekeng mga tseke ng kanilang tanggapan.
Natukoy ang isang pangyayari sa Virac, Catanduanes, kung saan aabot sa P20,000 ang nakatala sa tseke na ginamit sa isang supermarket.
Ayon kay SSS Senior Vice President for Luzon Josie Magana, gumamit ang suspek ng pangalang Gina Henzon, ngunit hindi pa nila mabatid kung pati ang pangalan ay kinopya lang din sa listahan ng kanilang mga miyembro.
Dahil sa kwestyunableng dokumento, pekeng ID, pekeng address at iba pa ay posibleng malaking sindikato ang nasa likod ng naturang mga aktibidad.
Please follow and like us: