Pagkapaling ng Ulo May Kinalaman Sa Dental Health
Karamihan hindi alam na ang pagkapaling ng ulo o hindi nakatuwid ang ulo, ay may kinalaman sa dental health ng isang tao, bata man o matanda.
Ano ba ang epekto kapag nakapaling ang ulo o nakatagilid? Apektado ang leeg dahil na-stretched ito. Iba rin ang pakiramdam ng balikat. Ibig sabihin sakitin ang leeg, balikat, ang likod, kahit ang paa ay tight ang muscles.
Ang ngipin ay tukod ng ulo, kung walang tumutukod dahil maagang nabunutan ng ngipin, pwedeng ma twist ang spine at posibleng magka scoliosis. Nawawala na ang ulo sa sentro ng dugtungan. Kapag pudpod na ang ngipin sa kabilang panig ay hindi na tugma ang ulo, palagi ng naka sideways o nakapaling na.
Pwedeng ang pagkapaling ay dahil sa maling paraan ng pagkain, laging sa isang panig lamang ngumunguya, hindi ginagamit ang kabilang side.
Laging tandaan na ang panga ay walang pinag-iba sa timbangan, kapag ang ginagamit lamang ay ang nasa kanan, mapapaling ka, hindi na pantay.
Kapag paling ang isang tao, maaaring ang pustiso ay mabali o mabasag sa sobrang sakit, hindi rin magamit ang pustiso.
During the ancient times, isa sa paraan ng pagpili sa gladiator ay kailangang buo ang mga ngipin. Pag nakitang buo o maganda ang ngipin, ibig sabihin good bones.
Samantala, pwedeng malaman kung magkaka-scoliosis ang bata, kung paling ang panga nito.
Ngayon, para maging malakas ang matibay ang mga ngipin, importante ang nutrisyon. Kaya malakas ang ngipin ng isang tayo dahil sa maganda ang nutrisyon ni nanay.
Maaaring itinatanong ninyo, ano ang dapat gawin, paano gagaling kung ikaw ay paling? Maaari naman itong itama. Dito po papasok ang specialty ng dentistry., ang alignment. Kaya kailangang magpatingin sa espesyalista, dahil sila ang makatutulong.
Ito yung mga temporomandibular joint expert o TMJ expert, functional orthopedics, o yung tinatawag na neuromuscular dentistry o dental engineering. Ang ginagawa nila ay ina-align ang mga ngipin.
Paalala lang po na kapag ang ngipin ay pudpod na, nawawala na sa linya o apektado na ang panga. Hindi ang nguso ang gumagalaw, kundi ang panga ang gumagalaw.
Strongest bone ang panga. Kaya nga sa mga boksingero hindi ulo ang puntirya kundi ang panga dahil ‘yun ang kalakasan ng tao.