Pagkatig ng Supreme Court sa 1-year extension ng martial law sa Mindanao, malaking tulong sa seguridad at pagbangon ng Marawi
Itinuturing ng mga taga-Marawi city na malaking tulong sa seguridad at rehabilitasyon ng lunsod ang pagkatig ng Korte Suprema sa isang taong pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Marawi Mayor Majol Usman Gandambra na mapipigilan ng mga otoridad ang recruitment ng mga bagong miyembro ng Isis dahil sa umiiral na Batas militar.
Ayon kay Gandambra, mapapabilis din ang reconstruction ng mga nasirang istruktura dahil hindi na dadaan sa mahabang proseso ang mga rehabilitation contract na papasukin ng Task Force Bangon Marawi.
Inihayag ni Gandambra na sa loob ng lunsod walang namo-monitor na recruitment ng mga bagong Isis members.
Naniniwala ang alkalde na maaaring sa ibang lugar ng Mindanao nagaganap ang recruitment ng mga remnants ng Isis.
Ulat ni Vic Somintac
==== end ====