Pagkondena ng Kuwaiti government sa total ban sa mga OFWs na ipinatutupad ni Pangulong Duterte, kinontra ng Malakanyang
Tahasang sinabi ng Malakanyang na walang karapatan ang Kuwaiti government na kuwestyunin ang total ban sa mga OFWs na papuntang Kuwait.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roqua na paulit-ulit mang kondenahin ng Kuwaiti government ang total ban sa mga OFWs, hindi nila mapipigilan si Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang mga Pinoy na inaabuso sa Kuwait.
Sagot ito ng Malakanyang sa ginawang pagkundena ng Kuwait foreign ministry sa total ban ng mga OFWs patungong Kuwait.
Hinamon pa ni Roque ang Kuwaiti government na ipatupad ang batas para papanagutin ang pumatay sa Pinay DH na si Joanna Demafelis na natagpuang nakalagay sa freezer ng mahigit isang taon.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===