Pagkontra ni Sen. Drilon sa planong maglabas ng bagong voter’s ID
Inalmahan ng Comelec ang pagkontra ni Senador Franklin Drilon sa panukalang maglabas ng bagong voter’s id.
Una nang sinabi ni Drilon na pag-aaksya lamang ng pera at panahon ang gagawin ng Comelec na pag-iimprenta ng bagong id.
Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, mismong si Senate President Koko Pimentel pa ang nagsabing maaari itong maging batayan sa planong National ID System.
Aniya, masyado pang maaga para husgahan ang id na hindi pa nakikita ang magiging itsura nito.
Nasa bidding process pa lamang aniya ang naturang panukala at wala pang sangkot na pondo ng gobyerno.
Please follow and like us: