Pagkuha ng foreign coaches para sa mga atletang Pinoy, ipinanukala
Ipinapanukala ni Senador Francis Tolentino na maglaan ng pondo ang gobyerno para sa pagkuha ng mga foreign coach ng mga atletang Pinoy na isinasabak sa Olympics.
Sa harap ito ng tagumpay ng Pilipinas matapos makasungkit ng apat medalya sa katatapos na Tokyo olympics.
Sa panayam ng Balitalakayan, sinabi ni Tolentino na hindi niya minamaliit ang kakayahan ng mga instructor at coach ng Pilipinas pero mas malaki ang bentahe ng mga atleta na sumailalim sa pagsasanay ng mga foreign coaches at kanilang makabagong teknolohiya.
Mahalaga aniya ang papel ng mga foreign coach para magkaroon rin ng international exposure ang mga atletang Pinoy.
Napapanahon aniyang magre-foucs at magre-evaluate ang mga nasa Philippine Sports Commission para suportahan at mas mahasa pa ang ating mga atleta.
Naniniwala ang Senador na mas maraming pintuan ang mabubuksan ngayon sa larangan ng palakasan ng Pilipinas dahil sa naging interes ng mga kabataan matapos ang apat na medalya na nasungkit ng bansa sa olympics kasama na ang gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Meanne Corvera