Pagkuha ng lisensya o permit sa gobyerno ng mga Bloggers, inirekomenda ni Senador Manny Pacquiao

Inirekomenda na ni Senador Manny Pacquiao na obligahin ang mga bloggers na kumuha na rin ng permit o lisensya sa gobyerno.

Sa harap ito ng sangkatutak na reklamo laban sa mga bloggers dahil sa umanoy pagpapakalat ng mga maling impormasyon na nakakasira na sa kanilang personalidad o mga tanggapan.

Paglilinaw ni Pacquiao, hindi raw ito pagkontrol sa freedom of expression ng sinumang bloggers pero mahirap na nakatago ang pagkakakilanlan sa mga bloggers.

Makakatulong aniya ang ganitong paraan para madaling matutukoy ang kanilang identity sakaling masangkot sa paninira o pagpapakalat ng maling impormasyon.

Samantala inirekomenda na ni Semador Grace Poe na i-shut down muna ang blog account ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson habang ito ay opisyal ng gobyerno.

Nagkakaroon kasi aniya ng conflict of interest ang pagiging blogger ni Uson sa kaniyang trabaho sa Presidential communications office na paglabag sa Section 7 ng Republic Act 6713 o Code of conduct and ethical standards for public officials.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *