Pagkuha ng serbisyo ng mga bagong nursing graduate band aid solution lang sa problema sa nararanasang shortage ayon sa isang senador

Kinontra ng ilang senador ang plano ng Department of Health (DOH) na kunin ang serbisyo ng mga non-board passers at mga bagong graduate na nurse para tugunan ang kakulangan sa healthcare workers.

Bagama’t maganda ang layunin ng hakbang, sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, na posibleng magkaroon ito ng problemang pangkalusugan.

Hinikayat ni Go ang DOH na pag-aralang mabuti ang panukala dahil buhay ng mga pasyente ang nakasalalay sa usapin.

Paalala pa ng mambabatas na may sinusunod na batas at mga regulasyon ang nasa health sector.

Dapat aniyang ipatupad ang umiiral na professional standards para makapagbigay ng de kalidad na serbisyong medical at ma-protektahan ang buhay at kalusugan ng bawat mamamayan.

“Dapat pag-aralan itong mabuti dahil buhay rin ang nakasalalay dito. Para sa akin, ang mga tungkulin na ibibigay sa kanila ay angkop lang dapat sa kanilang kakayahan at kaalaman, at hindi pantay sa mga tunay na licensed nurses.”

Bagamat may kakayahan aniya ang mga bagong graduate hindi pa ito pantay sa kaalaman ng mga tunay na licensed nurses.

May panukala na si Go para sa advanced nursing education na layong itaas pa ang kalidad ng nursing education, magkaroon ng community integration at immersion, mabigyan sila ng sapat na proteksyon at mga benepisyo para hindi na humanap ng oportunidad sa ibang bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *