Pagkukumpuni sa BRP Sierra Madre kailangan ang dagdag na pondo – Sen. Dela Rosa
Irerekomenda rin ni senador Ronald bato dela Rosa na mailipat ang confidential at intelligence funds ng ilang tanggapan ng gobyerno para tustusan ang pagkukumpuni ng BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Ayon kay dela Rosa, dapat iprayoridad ang pagpapalakas sa depensa ng sandatahang lakas lalo ngayong nagiging agresibo ang china sa West Philippine Sea
Tinukoy ng senador ang ginawang pagbomba ng tubig ng mga tauhan ng chinese coastguard sa pwersa ng pilipinas na magdadala ng suplay sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre
Kailangan aniya ang dagdag na pondo para ayusin ang nabubulok na barko para mapagaan ang buhay ng marines na nasa barko at paigtingin ang pagbabantay sa teritoryong sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas
Sabi ni dela Rosa maaari namang i-semento ang barko para naka-fix na doon para hindi ito basta basta mahihila o matatanggal ng china.
“Refurbish o ayusin o whatever, basta just to alleviate their living condition of the marines living inside that ship and to concretize our claim over that Ayungin shoal, kailangan hindi basta-bastang hilahin lang ‘yan ng china. Hindi pupwedeng tanggalin nila ‘yan diyan. Kung pwedeng ikwan natin, i-semento yung ilalim ng barko para ma-fix na ‘yan siya doon, mas maganda.” pahayag ni dela Rosa.
Meanne Corvera