Paglabag sa environmental laws, hindi lamang dapat limitado sa Boracay- Cong. Barbers

Nais ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na tingnan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang iba pang tourist destinations sa bansa.

Ayon kay Barbers, natitiyak niyang hindi lamang sa Boracay island ang mayroong mga paglabag sa Environmental laws kundi posibleng may ganito ring sitwasyon sa iba pang tourist spots sa bansa.

Ayon sa mambabatas, dapat simulan na ang clean-up operation sa lahat ng mga tourist spots sa bansa para mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng lugar at maging ang kapakanan ng mga residente doon.

Pinatitiyak rin ni Barbers sa lahat ng mga LGU sa buong bansa ay hindi magdudulot ng problema at polusyon sa kapaligiran ang mga business etsblishments na pinayagang maitayo sa mga tourist destination gaya ng nangyayari ngayon sa Boracay.

 

===========

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *