Paglabag sa minimum public health standards dahilan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa
Ang paglabag sa minimum public health standards ang nakikitang dahilan ng Department of Health kung bakit patuloy paring tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Dr. Alethea de Guzman, Director ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang hindi pagsusuot ng face mask.
Ang iba kasi aniya ay may facemask nga pero hindi naman nakasuot ng tama.
May ilan na ang suot na face mask ay inilalagay sa baba.
Giit ni De Guzman, kahit marami na ang nababakunahan sa bansa, hindi dapat maging kampante ang publiko.
Isa pa aniya ang pagsasagawa ng mga party na nagiging dahilan ng super spreading event.
Ayon kay de Guzman, bagamat nananatili sa low risk ang bansa, ilang rehiyon naman ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso at hindi na-maintain ang kanilang average 2 week growth rate gaya ng Davao Region, Western Visayas at Cordillera Administrative Region na ngayon ay nasa high risk classification.
Madz Moratillo