Paglabas ng mga Pilipino kasama ang kanilang pamilya hindi raw solusyon sa pagbangon ng ekonomiya
Hindi raw solusyon sa pagbangon ng ekonomiya ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry o DTI at National Economic and Development Authority o NEDA na luwagan ang age restrictions at hikayating lumabas ng bahay ang mga bata
Ayon kay senador grace poe, dapat munang solusyunan ng pamahalaan ang mataas na kaso ng unemployment at mataas na inflation
Kahit payagan na aniyang lumabas ang mga bata wala ring sysay kung walang trabaho ang kanilang mga magulang
Naka dagdag pa aniya sa problema ng bawat mahihirap na pamilya ang mataas na presyo ng mga bilihin.
Giit pa ng senador, ang consumer spending aniya o paggastos ng tao ay isa lang variable o pagbabago sa expenditure side ng gross domestic product equation kung saan kasama ang investments, exports, imports, at government spending.
Meanne Corvera