Paglago ng ekonomiya hindi pa ramdam ng mahihirap
Kailangang maramdaman ng publiko lalo na ng mahihirap ang paglago ng ekonomiya.
Ito ang panawagan ng mga Senador sa ipinagmamalaki ng NEDA na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa huling quarter ng 2022.
Pero ayon kay Senador Sonny Angara, hindi sustainable ang naturang mga datos dahil nananatiling mataas ang presyo ng bilihin tulad ng sibuyas, itlog at bigas.
Tiyak ayon sa Senador na may epekto pa rin ito sa paggasta ng mga consumer.
Para kay Senate minority leader Koko Pimentel, ang GDP at Economic figures ay figures lang pero mayorya ng ating mga kababayan apektado pa rin ng inflation.
Mas mahalaga aniya ang pamamahagi ng benepisyo sa paglago ng ekonomiya lalo na sa mga mahihirap.
Kailangan aniyang magbunga ito ng mas mataas na buwis na ang makokolekta ay dapat ipuhunan ng gobyerno sa edukasyon, public infrastructure at pagpapataas ng investment.
Meanne Corvera