Paglalaan ng pondo para sa pagtatag sa Department of Disaster Resilience hindi dapat panghinayangan
Nagpahayag ng pagkadismaya si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na hindi pinanghihinayangang gastusan ng Senado ang Senate Building sa Taguig City habang pinanghihinayangan namang gastusan ang pagtatatag Department of Disaster Resilience.
Giit ni Salceda 2 bilyong piso lamang ang pondong kakailanganin para sa reorganisasyon ng bubuuing DDR na malayo sa halos 10 bilyon na halaga ng ipinatatayong gusali ng Senado.
Ang panawagan para sa pagtatag ng DDR ay muling uminit kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol region kung saan 20 katao ang nasawi habang nasa P5.8 bilyon ang halaga ng nasirang imprastrakstura.
Ang pagtatatag ng DDR na isa sa priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte ay aprubado na sa Kamara sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano pero nakabinbin parin ito sa Senado.
Iginiit ni Salceda na permanenteng solusyon ang kailangan para mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa bansa kaya isinusulong ng Kamara na palitan ang NDRRMC na isa lamang council at palitan ng DDR na magiging isang permanent agency.
Inihalimbawa ng mambabatas ang nangyari sa Supertyphoon Yolanda na 9 na taon na ang nakalipas mula nang manalasa ito ngunit hindi pa natatapos ang rehabilitasyon dahil kung kani-kaninong ahensya inaasa ang pangangasiwa dito.
arget na maging fully operational ang bagong Senate building sa 2022.
Madz Moratillo