Taunang budget para sa kalamidad, isinusulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Grace Poe ang paglalaan ng sapat na pondo taun-taon para sa Disaster Mitigation, pagbangon at rehabilitasyon ng mga lugar na tinatamaan ng kalamidad.
Naghain na si Poe ng Senate Bill no. 124 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act of 2019 na mag-oobliga sa gibyerno na maglaan ng 3 porsyento ng kita ng pamahalaan para sa Disaster Management.
Madalas aniyang kulang ang pondo at nagrere-align ang gobyerbo ng pondo tuwing may kalamidad samantalang ang Pilipinas ay isa sa mga daanan ng bagyo.
Katunayan, sa kabila ng pagiging Disaster-prone ng bansa, na bawasan pa ang NDRRM fund o Calamity fund.
Mula sa 20 Bilyong piso noong 2019, binawasan ito kaya naging 16 bilyon nitong 2020 habang sa 2021, aabot lang sa 20 Billion pesos ang Calamity funds.
Sakaling maging batas, hindi maaaring bawasan, ilipat, i-realign o gamitin sa ibang kadahilanan ang pondo ng NDRRM maliban sa itinakda ng batas.
Meanne Corvera