Paglalagay ng floating barriers ng Tsina sa Scarborough Shoal, paglabag sa International Law– DFA
Paglabag sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award ang napaulat na paglalagay ng Tsina ng floating barriers sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na integral part ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc na nasa territorial jurisdiction ng bansa batay sa UNCLOS.
Ayon pa sa DFA, pinagtibay sa 2016 Arbitral Award na ang Bajo de Masinloc ay tradisyunal na fishing ground ng mga Pilipinong mangingisda.
Iginiit ng DFA na ang mga negatibong epekto ng barriers sa hanapbuhay at ang anumang aktibidad na nanghihimasok sa soberenya at hurisdiksyon ng Pilipinas ay paglabag sa international laws.
Kaugnay nito, siniguro ng kagawaran na gagawa ito ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang soberenya at ang ikinabubuhay ng mga mangingisdang Pinoy.
Moira Encina