Paglalagay ng mga tarpaulin na may mga mensahe bilang babala sa mga government employees na pumasok sa mga pasugalan sinimulan na ng PNP sa Surigao del Norte

Sinimulan na sa lalawigan ng Surigao del Norte ang paglalagay ng mga tarpaulin na may mga mensahe bilang babala sa mga government employees na pumasok sa mga pasugalan

Sa pangunguna ng mga miembro ng Philippine National Police sa ibat ibang munisipyo gaya na lamang ng munisipyo sa Bacuag at Taganaan matagumpay nilang naikabit ang mga babalang ito.

Mahigpit nilang ipatutupad ang panawagan ni Presidente Rodrigo Duterte na ang sinomang government employee na makita na papasok sa mga cockpit arena at maging sa mga gambling areas ay huhulihin.

Tinatawagan din ang komunidad na huwag matakot magsumbong sa mga otoridad kung may nalalaman silang government employee na makikisali sa mga gawaing pagsusugal.

Ang sinomang lalabag sa ganitong mga gawain ay aarestuhin at sasampahan ng kaukulang kaso.


Ulat ni Jabes Juanite

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *