Paglalagay sa Alert Level 1 sa NCR at 38 pang lugar sa bansa, ibinatay sa 4 na criteria- Malakanyang
Ipinaliwanag ng Malakanyang ang pinagbatayan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa paglalagay sa Alert Level 1 sa National Capital Region kasama ang 38 iba pang lugar sa bansa sa pagpasok ng Marso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles sa briefing sa Malakanyang na apat na criteria ang tiningnan sa mga lugar sa bansa na isasailalim sa Alert Level 1.
Ayon kay Nograles kabilang sa criteria na pinagbatayan ng IATF ay dapat nasa minimal hanggang low risk na ang kaso ng COVID-19, mababa na sa 50% ang hospital bed utilization, bakunado na laban sa COVID-19 ang 70 percent ng populasyon at 80 percent fully vaccinated ang senior at may mga comorbidity.
Inihayag ni Nograles sa ilalim ng Alert Level 1 ay 100% na ang on-site capacity ng mga pribado at pampublikong tanggapan ganundin sa mga pampublikong sasakyan.
Niliwanag din ni Nograles sa ilalim ng Alert Level 1 ay hahanapan ang publiko ng vaccination card sa ilang mga establisimyento at mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng pagkakataon.
Vic Somintac