Paglalatag ng contingency measures kaugnay ng hydrogen bimb testing ng North Korea patuloy na isinasagawa ng OCD
Tiniyak ng Office of the Civil Defense o OCD na patuloy ang kanilang koordinasyon kaugnay sa ginawang hydrogen bomb testing ng North Korea at ang pagpapalitad nito ng Intercontinental Ballistic Missiles.
Sa briefing sa Malacanang sinabi ni OCD Assistant Secretary Kris James Purisima na nakikipag-ugnayan na sila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at sa mga local na pamahalaan para matiyak na handa at ligtas ang ating mamamayan sa anumang posibleng mangyari sa harap narin ng mga ginagawa ng North Korea.
Inihayag ni Purisima na mayroon ng mga nakahandang contingency plan ang pamahalaan para matiyak na handa ang mga residente sa anumang mangyayaring emergency na epekto ng missile testing ng North Korea.
Ayon kay Purisima magpupulong ang OCD kaugnay sa nasabing issue para pag-usapan ang mga planong ilalatag sakaling mayroong mangyaring hindi inaasahan na dulot ng hakbang ng North Korea.
Ulat ni: Vic Somintac