Paglalatag ng mga emergency plan sa mga sakuna, inirekomenda ng ilang Senador
Hinimok ng ilang Senador ang publiko na maglatag na ng emergency plan para sa mga disasters.
Sinabi ni Senador Cynthia Villar na nakakabahala ang sunod-sunod na mga paglindol partikular na ang nangyari sa Zambales at Eastern Samar.
Naniniwala si Villar na makakatulong sa gobyerno kung bawat pamilya may sapat na kahandaan at may alam sa Disaster Preparedness program.
Hindi aniya dapat umasa sa mga rescuers ng gobyerno at kailangang handa ang bawat indibidwal anuman ang tumamang sakuna.
Kasama aniya sa maaring bahagi ng disaster preparedness ang emergency bag gaya ng pagkain at tubig, emergency numbers damit at first aid kit.
bagamat hindi aniya maaaring ma-predict kung kailan tatama ang tinatawag na The Big One, mas mabuting handa ang lahat ng mga Filipino para maiwasan ang casualties.
Ulat ni Meanne Corvera