Pagli-legalize ng marijuana, gagamitin lang umanong front ng mga sindikato ng droga
Malabo nang lumusot sa Senado ang panukalang gawing ligal ang paggamit ng Medical marijuana.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, hindi na sila magpapatawag ng panibagong pagdinig sa isyu dahil pagsasayang lang ito ng oras at resources ng gobyerno.
Sinabi ni Sotto na saludo siya sa ginawa ng Pangulo na tinanggihan ang mga panukalang batas na gawing ligal ang marijuana.
Maaaring may nakarating aniyang intelligence report sa Pangulo na ang mga posibleng nagtutulak ng legalization ay mga sindikato rin na gusto lang gawing ligal ang pagtatanim ng marijuana sa Pilipinas.
Paalala ni Sotto, hindi na kailangang bumalangkas ng bagong batas para gawing ligal ang paggamit ng marijuana bilang medisina dahil nakapaloob na ito sa Republic Act 9165.
Ulat ni Meanne Corvera