Paglikha ng Department of Disaster Resilience, tiwalang maipapasa ngayong Disyembre
Kumpiyansa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maipapasa na sa Senado ang paglikha ng Department for Disaster Resilience matapos ang sunud-sunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Sotto, nagbigay na rin ng commitment si Pangulong Duterte na agad lalagdaan ang panukala sakaling mapagtibay ng Kongreso.
Mahalaga aniya ngayon ang pagkakaroon ng naturang ahensya dahil sa sunod-sunod na bagyo at lindol na tumama sa bansa.
Sa panukalang batas, magiging malinaw na kung sino ang mga opisyal na i- charge sa isang lugar kung saan nangyari ang sakuna.
Sinabi rin ni Senador Imee Marcos na mahalaga ang pagtatatag ng ganitong kagawaran para may responsable at managot sakaling magkaroon ng kapalpakan sa mga relief operations at pagbibigay ng iba pang tulong sa mga biktima tulad ng nangyari sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ulat ni Meanne Corvera