Paglikha ng trabaho na aakma sa pangangailangan ng mga pinabalik na OFW mula sa Kuwait, pinamamadali sa gobyerno
Hinimok ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na lumikha ng trabaho na may malaking suweldo at akma sa kasalukuyang inflation rate.
Sinabi ni Angara na layon nitong mapigilan ang pangingibang bansa ng mga Pinoy para maghanap ng trabaho.
Ayon kay Angara, Vice-Chairman ng Senate Committee on Labor, dahil sa ipinag-utos na ban ng Pangulo sa deployment ng mga Pinoy workers sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pag abuso, nangangahulugan rin ito ng libu-libong Pinoy na walang trabaho
Pero hindi aniya malinaw ngayon kung may naghihintay na pagkakakitaan ang mga bumalik na OFWs.
Naghain na si Angara ng resolusyon para iparepaso ang Labor policies ng gobyerno na titiyak sa kasiguruhan ng hanapbuhay para sa mga Pilipinio at maiwasan na ang pangingibang bansa.
Ulat ni Meanne Corvera
==================